Paano ipinagdiriwang ng mga Germans ang Halloween?

 

Ang Halloween ay patuloy na nagiging tanyag na pagdiriwang tuwing Oct 31 sa buong mundo. Ano ang naging impluwensya nito sa Germany? Paano nagbago ang pagdiriwang sa paglipas ng mga taon?

Ang pagsusuri mula sa Spiegel, about.com at YouGov.

Bagaman gumagamit na ng mga dekorasyon tulad ng pumpkins, nago-organisa ng mga costume parties, bumibisita sa mga pinaghihinalaang pinagmumultuhang lokasyon at ang pagsunod sa usong  ‘trick-or-treat’, ang Germans ay simulang ipinagdiwang ang Halloween mula noong 1991 lamang, ayon sa Spiegel.

halloween

Mula noon, ang paggamit ng mga Halloween costumes ay patuloy na nagiging popular sa Germany at parami ng parami ang mga stores kung saan ang mga ito ay matatagpuan, ayon sa pagsusuri ng about.com.

Sa katunayan, ang mga scary costumes ang karaniwang pinipili ng mga Germans na isuot sa mga costume parties. Sa lungsod naman, palasak na rin sa mga bata ang trick-or-treat habang suot ang kani-kanilang costumes bukod pa sa nakakatakot rin na mga maskara.

trick-or-treat

Mula sa American version ng trick-or-treat, ang mga bata sa Germany ay karaniwang binabanggit ang ‘sweet or sour’ sa halip na ‘trick or treat’. Gayunpaman, dagdag ng Spiegel, sa mga huling taon ang mga bata ay simulang gawing ‘trick’ ang pambabato ng itlog sa mga bahay.

Ang pananakot ay tanyag na rin sa mga German Halloween parties. Sa katunayan, isa sa pinakatanyag at pinakamalaking Halloween venues ay ang Darmstadt castle ruins, na kilala rin bilang the Burg of Frankenstein.

Bukod dito, mula sa impluwensya ng pumpkin festival ng Retz, Austria, ay nahikayat ang mga Germans at nagsimulang ukitin ang pumpkin (jack o’lantern) at ilagay ang mga ito sa kanilang doorsteps, ayon sa about.com

Sa kabila ng mga nabanggit sa itaas, naitala sa survey na ginawa ng YouGov ay 20% ng mga Germans lamang ang nagdidiwang ng Halloween. Habang kinokundan ito ng ilan bilang pamamaraan ng mga Americans upang manakop ng kultura, para sa iba naman ito ay isang pagkakataong hindi dapat palampasin ng mga negosyante upang higit na kumita.

 

/* ]]> */