Schweighart, nagbitiw bilang Miss Philippines-Earth 2016

Nauwi sa kontrobersya ang koronasyon ni Miss Ecuador bilang bagong Miss Earth. Ito’y dahil sa pahayag ni Miss Philippines Imelda Schweighart na laan sa kanya ang gown na sinuot ng winner. Trending din ang video ng umanoy pamimintas ni Schweighart sa bagong Miss Earth Katherine Espin ng Ecuador.

Miss Earth Katherine Espin of Ecuador

Miss Earth Katherine Espin of Ecuador

Nagbitaw na si Imelda Schweighart noong Lunes ng hapon mula sa kanyang tungkulin bilang Miss Philippines-Earth 2016 makaraang lumabas ang video mula sa fan na nagpapakitang bina-bash niya ang bagong hirang na si Miss Earth Katherine Espin ng Ecuador.

Ayon sa mga report, tinanggap ng Carousel Production, organizer ng taunang pageant, ang voluntary resignation ng Filipino-German beauty queen na kasama ang kanyang ina na si Annabeth Bautista at trainer na si Rodgil Flores ng Kagandahang Flores beauty camp sa isang pakikipagpulong kay Lorraine Schuck, executive vice president ng Carousel Productions.

Ito ang unang pagkakataon na nagbitiw ang kasalukuyang Miss Philippines-Earth mula sa kanyang tungkulin sa buong 16-taong kasaysayan ng patimpalak.

I was fitted the gown. I was just so offended. That time, I’m still in the heat of the moment, the gown that was placed in Miss Philippines’ cubicle was taken. That box, my gown named after me… I wasn’t able to wear it. Even Miss Guam made me borrow her gown… because I have nothing to wear,” paliwanag ng Filipino-German beauty queen.

Sa video na nag-viral pagkatapos ng coronation night noong Oktubre 29, nagwika si Schweighart na, “’Yung nanalo peke ilong, peke baba, peke boobs! Miss Earth, dapat natural.”

Humingi na ng paumanhin si Schweighart, 21-anyos, kay Espin hinggil sa kanyang negatibong komento, sa isang interbyu sa CNN Philippines.

Samantala, sinabi ni Espin na inirerespeto niya ang desisyon ni Schweighart na i-give up ang korona bilang Miss Earth-Philippines 2016.

Bukod dito ay ibinahagi rin ni Espin na excited na siya magsimula sa kanyang mga tungkulin bilang Miss Earth 2016.

Samantala, si Kiara Giel Gregorio, na nakatira sa United Kingdom at nanalo ng Miss Philippines Air 2016 noong Hunyo, ang papalit bilang Miss Philippines-Earth 2016.

Kiara Giel Gregorio, ang bagong Miss Philippines-Earth 2016

Kiara Giel Gregorio, ang bagong Miss Philippines-Earth 2016

 

/* ]]> */