Pinakamaikling international flight sa mundo, lumipad ngayong araw

 

Lumipad ang pinakamaigsing international flight sa buong mundo ngayong Miyerkules na tumagal lamang ng walong minutos na nagdala ng mga pasaheros mula Switzerland papuntang Germany.    

plane

Ayon sa report, sinimulan ng Austrian People’s Air Group ang bagong flight connection nito mula St. Gallen-Altenrhein, Switzerland sa Friedrichshafen (over Lake Constance) alas 6 ng umaga ngayong araw ng Miyerkules.

Ang biyahe ng 20 kilometro ay nagtagal lamang ng walong minutos. Dalawang beses ang biyahe sa parehong direksyon ng nasabing kumpanya at ang one-way ticket ay nagkakahalaga ng € 40.

Layunin ng stop sa Friedrichshafen ang maging layover ng mga pasahero na pupunta o magmumula sa airport Cologne-Bonn.

 

/* ]]> */