German, inaming karumaldumal na pinaslang ang asawang Pinay

Inamin sa korte ni Horst Koenig, 53 ang ginawang pagpaslang nito sa asawang Pinay sa pagiging hadlang nito sa pagpunta sa Thailand dahil sa inaasam na isang sex holiday.

judge-gavel

Bukod sa  karumaldumal na pagpatay sa sampung taon na nitong asawang, si Grace, 37 anyos ay kinuha pa ang lamang ng bank account nito upang ipambili ng ticket at magpakalulong sa kasiyahan sa Thailand.

Ayon sa report ng dailymail.co.uk, ay inamin ni Horst sa Augsburg State Court sa Bavaria at idinetalye nito ang plano ng pagpaslang sa asawa.

Umupa ng warehouse sa Augsburg kung saan nag-install ito ng computer upang makapag-saliksik kung paano pumatay ng tao at paano maiiwasang mabulok ang bangkay.

Habang natutulog ang asawa ay pinatay ito. Sino-ffocate sa pamamagitan ng pagbabalot ng ulo nito ng plastic bag matapos hampasin ng martilyo.

Gamit ang reciprocating saw ay hinati ang katawan ng Pinay sa walong piraso at binalot biniling sa industrial rubbish sacks.

Sa pamamagitan ng biniling construction foam ay ibinalot mabuti ang lahat ng bahagi ng katawan at dinala sa warehouse.

Bago tuluyang lumipad sa Thailand ay dalawang e-mail ang ipinadala sa kaibigan at kamag-anak ni Grace at sinabing hinayaang bumalik ito ng Pilipinas ngunit babalikan nya umano ang kabiyak.

Sa Pattaya ay nakipagkita sa babaeng naka-chat sa internet. Nanatili sa Thailand ng tatlong linggo ngunit inaresto sa kanyang pagbabalik sa Germany ng awtoridad.

Ayon sa prosecutor si Horst ay nakita sa ilang litrato kasama ang isang kabataang babae. Ang babaeng ito umano ang nakakuha ng kanyang atensyon dahil ayon kay Horst halos maging addict ang kanyang asawa sa internet hanggang sa masunugan na ng niluluto.

Inamin din ni Horst ang unang planong magpakamatay sa Thailand ngunit hindi niya ito kinaya dahil naubos ang kanyang pera at nag-expired ang kanyang visa.

Ang trial ay inaasahang magtatapos sa susunod na linggo at haharapin ang habangbuhay na pagkabilanggo sa kasong premeditated murder.

Malagim ang naging buhay ng Pinay sa Alemang kabiyak dahil sa pangangaliwa nito”, ayon pa sa mga posecutors.

 

/* ]]> */